Benepisyo para sa mga Octogenarian at Nonagenarian na bahagi ng Expanded Senior Citizen Act ipinamahagi

Benepisyo para sa mga Octogenarian at Nonagenarian na bahagi ng Expanded Senior Citizen Act ipinamahagi

        San Pablo City-Noong nakaraang Mayo 20, 2025 sa pangunguna ng National Commission of Senior Citizens o NCSC, katuwang ang Office of the City Social Welfare and Development at Office of the Senior Citizen Affairs ay ipinamahagi sa 101 benepisyaryo ng Expanded Senior Citizen Act na mga nonagenarian (90 years old pataas) at octogenarian (80 years old pataas) mula sa lungsod ng San Pablo.

Dumalo sa nasabing pay out si Laguna 3rd District Representative Loreto “Amben” S. Amante na nagbigay ng pasasalamat sa pagsuporta sa kanyang programa na mapalawak ang senior citizen act at nangako na patuloy na magsusulong ng mga batas na papakinabangan, hindi lamang ng mga senior citizens, bagkus ay lahat ng mga mamamayan.

Kasama din sa mga dumalo sa programa sina Konsehala Carmela Acebedo, PAMANA Federation Vice President Neri Ruidera, OSCA Head Arthur Almario, OSWD Officer Marilyn Escondo at Edgardo Collado bilang kinatawan ni Vice Mayor Justin G. Colago. (CIO-San Pablo)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course