Blessing ng Bagong Ayos na Senior Citizen Multi-Purpose Hall sa Brgy. Bagong Bayan

Blessing ng Bagong Ayos na Senior Citizen Multi-Purpose Hall sa Brgy. Bagong Bayan


San Pablo City- Laguna 3rd District Representative Loreto "Amben" S. Amante panauhing pandangal sa seremonya ng pagbabasbas ng Senior Citizen Multi-Purpose Hall sa Barangay Bagong Bayan na ginanap kahapon ika-18 ng Hulyo 2025.

Sa pagkikipag ugnayan ni SC President Efren "Boy" Reyes sa tanggap ni Cong Amben Amante ay naipagkaloob ang halagang kinakailangan para sa pagsasaayos ng Senior Citizen Multi-Purpose Hall ng nasabing barangay. 

Ayon kay Cong Amben Amante, kanyang gagawin ang lahat ng kanyang makakayanan para maipagkaloob o maibigay ang mga pangagailangan ng kanyang mga kababayan lalo't higit ng mga Senior citizen. 

Bukod sa pagtugon ni Cong Amben sa mga pangangailang ng Ikatlong Distrito ng Laguna, patuloy rin ang kanyang pagbalangkas ng mga batas para sa kapakinabangan ng lahat. 

Sa pagbubukas ng 20th Congress ay pauna ng naghain ng batas si Cong Amben Amante para Person with Disabilities o PWD House Bill No. 361 na may pamagat na "AN ACT TO ESTABLISH CENTERS FOR INDIVIDUALS WITH SPECIAL NEEDS (ISN) IN THE COUNTRY, PROVIDING FUNDS THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES" na ang layunin ay makapagbigay ng matutuluyan at aaruga sa mga taong may Neurodevelopmental Disorder.

Samantala, lubos ang pasasalamat ni SC President Efren Reyes sa tanggapan ng kongresista dahil mayroon na silang maayos na bahay pulungan na magagamit. 

Dumalo sa nasabing programa sina City Councilor Ding Villanueva, Coun. Carmela Acebedo, Coun. Barbie Diaz, Coun. Ambo Amante, Coun. Francis Calatraba, Coun. Gel Adriano, VM Justin Colago Chief of Staff Egay Collado, Bagong Bayan Chairman Robbie Narvaja, DPWH District Engr. Carlos "Caloy" Muere kasama ang mga staff nito, ilang mga businessman, mga Senior citizens officers and members.

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course