Childcare Services, layong palakasin sa Los Baños

 Childcare Services, layong palakasin sa Los Baños

        Patuloy ang lokal na pamahalaan ng Los Baños, Laguna sa pagbibigay ng maaasahan at de-kalidad na childcare services sa tulong ng Child Care Center.

Ang pasilidad ay idinisenyo bilang isang ligtas at komportableng lugar kung saan maaaring iwan ng mga magulang ang kanilang mga anak habang inaasikaso nila ang kanilang mga pang-araw-araw na gawain. Mayroon itong child-friendly na kapaligiran kung saan pwedeng maglaro, matuto at makipag-kapwa ang mga bata kasama ang mga propesyonal na tagapag-alaga upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat bata.

Ipinagmamalaki ng pamahalaang bayan ng Los Baños ang mga makabagong pasilidad, kabilang ang mga itinalagang palaruan na may child-safe playground structures, nap area, at clinic na may rehistradong nurse.

Ang programa ay sumusuporta sa layon ng Joint Circular sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at Department of Budget and Management (DBM) na magtatag ng Child Development Centers (CDCs) sa bawat lokal na pamahalaan sa bansa.

Layunin nitong palawakin ang access sa mga pasilidad para sa maagang pag-aalaga at pag-unlad ng mga bata, lalo na sa mga komunidad na nangangailangan nito.(PIA-LAGUNA)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course