Editorial: Kaso ng HIV tumataas

 Editorial: Kaso ng HIV tumataas

Iminumungkahi ng Department of Health (DOH) na maging National Public Health Emergency ang problema ng Pilipinas sa HIV

Ayon sa DOH  tumaas ng 50% ang kaso ng HIV at ang Pilipinas  ang may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng sakit sa Western Pacific Region.

Sa datos ng DOH, nasa 57 na ang kumpirmadong kaso ng HIV kada araw mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Ayon pa sa DOH edad 25-34 ang nangunguna sa mga tinatamaan ng HIV sa bansa.

Inaatake ng HIV o Human Immunodeficiency Virus ang immune system na nagpapahirap sa katawan na labanan ang mga ipeksyon.

Ayon sa mga eksperto ang pakikipagtalik ng walang proteksyon ang pangunahing sanhi ng pagkalat ng sakit.

Payo ng DOH sa publiko, mag pa-HIV test dahil libre ito at confidential.

Pinapayo rin nila ang paggamit ng condom, lubricants at PreP o pre-exposure prophylaxis, na medikasyon o gamutan na nakatutulong sa pag pigil sa HIV infection, gayundin ang pagkonsulta at paginom ng antiretroviral therapy para sa mga nangangailangan nito.


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course