Forefront: Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay

 Forefront: Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay

        Mga Kawikaan 11:25 25 Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

Noong bata pa ako palagi kong nakikita ang aking Lola Lydia na nagbibigay ng kung anu meron kami samin kusina kapag may taong dumating sa aming bahay, sa kanilang pagalis ay baon nila’y ngiti sa mga labi dahil  kahit paanoy ay may mailalaman na sa kanilang mga tiyan.

Alam ko noong mga panahon na iyon ay wala rin namin kami tanging sa naiwang pension lamang  ng aking Lolo kami umaasa para sa pang araw-araw namin, tapos dalawa pa kaming apo na kapisan ng aking lola, magkagayun 

man ay hindi kami nagkulang sa amin pang-araw bagkus ay patuloy pa kaming pinagpapala, minsan ay may biglang magbibigay samin ng saging, niyog, kamote at iba.

Ang Diyos ay naging na pakabuti sa amin, ang kabutihan ginawa ng aking Lola ay ibinalik Niya ng makailang ulit. 

        Sa aking pagtanda at biyaya ng Panginoon ang ganung pag-uugali ay nais kong patuloy na pagyabungin. 

        To God be the Glory

(Mhadz Marasigan)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course