Forefront: Human-animal bond
Forefront: Human-animal bond
Ayon sa pag-aaral ang pag-aalaga ng hayop tulad ng pusa, aso at iba pa ay maraming mga benepisyo na nakakaapekto sa pisikal at mental na kapakanan sa may-ari nito.
Bukod sa mga kaibigan at kapamilya, ang emotional support ay maari ring magmula sa mga alagang hayop tulad ng mga aso at pusa. Ito ay tinatawag na pet effect o human-animal bond, kung saan ang interaksyon ng tao at hayop ay nagdudulot ng benepisyo sa kalusugan ng tao at alaga nito.
Ilan pa sa mga benepisyo ng pag-aalaga ng hayop ay pagbawas ng stress, pagtaas ng pisikal na aktibidad at pagiging aktibo sa pag-eehersisyo, pagkakaroon ng kasama, nakakatulong sa pagkilala sa ibang tao o ibang pet owner at pagkakaroon ng regular routine. (Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment