Forefront: Huwag Magalit
Forefront: Huwag Magalit
Lagi ka bang galit?
Sinasabi sa Efeso 4:26, “‘Sa iyong galit ay huwag kang magkasala’: Huwag hayaang lumubog ang araw habang ikaw ay nagagalit pa.”
Lahat tayo nakakaramdam ng emosyon. Sa iba't ibang pagkakataon, nakakaramdam tayo ng kalungkutan, dalamhati, pagkabigo, pananabik, kaligayahan, at galit. Ang gayong mga damdamin ay natural na dumarating at hindi ito kasalanan. Ito ay kung paano tayo kumilos sa mga emosyon na maaring maging kasalanan.
Kung tayo ay galit sa sitwasyon o sa atin kapwa at padadala tayo sa emosyon maari tayo makasambit ng mga masasakit na pananalita o makasakit ng pisikal sa ating kapwa at gayundin tayo ay masasaktan pabalik.
Ngunit kung tayo ay magiging mahinahon at hahayaang ang Diyos ang magkontrol ng ating emosyon sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin, maiiwasan natin na tayo ay magkasala o makapanakit satin kapwa.
Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan, ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan” (Kawikaan 15:18).
Palagi natin ipamuhay ang kapayapaan na nagmumula kay Kristo Hesus.
To God be the Glory
(Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment