Forefront: Sa takdang panahon
Forefront: Sa takdang panahon
May mga plano ka ba sa buhay na gusto mong gawin o may ginagawa ka na, kaso wala ka pa rin makitang resulta?
Huwag kang panghinaan ng loob, ang Panginoong Diyos ay may ginagawa sa buhay mo at sa Kanyang tamang panahon ay mangyayari ang mabuti Niyang plano para sayo.
Isaias 60:22
22 Ang pinakamaliit na lipi ninyo ay dadaming mainam, at ang munting bansa ay magiging makapangyarihan. Ako si Yahweh na kaagad tutupad sa aking mga pangako kapag dumating na ang takdang panahon.”
Tinitiyak sa atin ng talatang ito na kahit na ang buhay ay tila walang kahulugan o pag-unlad, ang Diyos ay may perpektong plano para sa atin na magaganap sa takdang panahon.
Ang Diyos ay maaring gumawa ng mga himala sa ating buhay kapag ibinigay natin ang ating mga pangangailangan at sumuko sa Kanyang kalooban.
Kapag isinuko natin ang lahat sa Diyos, mararanasan natin kung paano ang makapangyarihang pagkilos ng Diyos sa ating buhay.
To God be the Glory!
(Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment