Governor-elect Sol Aragones nangako ng tulong sa mga nasunugan

 Governor-elect Sol Aragones nangako ng tulong sa mga nasunugan



        Sta. Cruz Laguna-Agad na nagtungo si si Governor Elect Sol Aragones sa mga nasunugan sa Sta.Cruz Public Market matapos umabot sa ikaapat na alarma ang sunog dito noong nakaraang Huwebes ika-23 ng Mayo 2025.

        Malaking halaga ang natupok ng apoy, ilan dito ay ang mga panindang school supply na ayon sa mga manininda ay mga inutang pa ang puhunan.

Naging emosyunal ang pakikipag-usap ng Gobernadora sa mga ito  at sa pakikipagtulungan ng pamilya Agarao humahanap na sila ng pondo para pansamantalang matulungan ang mga ito .

        Pangako naman ni Aragones na babalikan niya ang mga ito sa oras na maupo na siya sa kapitolyo.

Kasama sa mga tinalakay ang pagpapabuti pa ng pwesto ng mga tindera sa palengke at karagdagang puhunan para lubos na makabawi ang mga ito .

        “Hindi na maibabalik ang mga nawala pero lalaban Tayo.” - Sol Aragones.

Hindi pa man sadyang nakaupo sa tungkulin si Gob. Sol Aragones ay aktibo na itong kumikilos at gumagalaw upang maisakatuparan ang kanyang mga pangako sa mga kababayang Lagunense.  (Mhadz Marasigan/Sulong Laguna FB Page)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course