Halalang Pambarangay, sa Disyembre 1, 2025 gaganapin

Halalang Pambarangay, sa Disyembre 1, 2025 gaganapin


        Sa bisa ng Resolution No. 11132 ng Commission on Elections, ay tiniyak na ang 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay gaganapin sa Disyembre 1, 2025 na isang araw ng Lunes. At ang mga magsisipagwagi ay magsisimulang manungkulan sa Enero 1, 2026 hanggang Disyembre 31, 2028.

Ang election period ay itinakdang simula sa Oktubre 21 hanggang Disyembre 31. At ang paglalahad o filing of certificate of candidacy ng   mga magsisipaghangad ng tungkulin sa pamahalaang barangay ay sa Oktubre 1 – 7, kung saan ang itinakdang 10-day campaign period ay sa Nobyembre 20 – 29, at bawal ang pangangampanya sa Nobyembre 30 na isang araw ng Linggo, na bisperas ng araw ng halalan.

Samantala, napag-alaman na ang pagpapatala ng mga bagong botante ay sa Hulyo 1 – 11, 2025, sa loob lamang ng 10 araw,  kung kailan inaasahang maraming nasa gulang  na mula sa 15 hanggang 18 taon ang magpapatala upang makaboto sa unang pagkakataon. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course