Inagurasyon ng Maliwat Medical Hub at Beauty Lounge sa Laguna, pinangunahan ni Governor-elect Sol Aragones

Inagurasyon ng Maliwat Medical Hub at Beauty Lounge sa Laguna, pinangunahan ni Governor-elect Sol Aragones


        Sta. Cruz, Laguna: Bilang isa sa nangungunang programa ni Laguna Governor elect Sol Aragones ang isyu ng kalusugan, pinangunahan nito ang pagbubukas at blessing ng bago, moderno at abot kayang medical clinic and hub na pag- aari ng kilalang cardiologist na si Dr. Rojohn at Mayda Maliwat na matatagpuan sa Barangay Bubukal, Sta. Cruz Laguna. 

Hindi naging prayoridad kay Governor Sol ang araw ng linggo bilang family day bagkus binigyan halaga niya ang okasyon na isang pagkakataon na maidagdag niya sa kaniyang isinusulong na maayos na programa sa kalusugan ang makilala at makadaupang palad ang mag- asawang Maliwat na kilala ring pilantropo at mapag- kawanggawa sa Laguna.

Base sa nakuhang impormasyon ng Rapids Journal sa panayam kay Gng. Mayda Maliwat, sinabi nito na naisipan nilang mag-asawa na magtayo ng medical clinic na may modernong equipment tulad ng 2d echo, ultrasound, medical laboratory, ECG, at iba’t - ibang uri para sa facial treatment.

Pinuri naman ni Governor Sol ang Maliwat Clinic hub sa kakaiba nilang uri ng mga medical procedure na sinisigurado ng butihing Ina ng lalawigan na darayuhin ng mga pasyenteng nangangailangan ng mabilisang atensyong medical.

  Idinagdag pa ni Governor Sol na maaaring maging instrumento ang specialization ni Dr. Rojohn Maliwat bilang kilalang cardiologist sa tema ng mga Laguneno na naghahanap ng magaling at dalubhasa sa mga may sakit sa puso. 

Bukod kay Gng. Mayda Maliwat, masaya ding sinalubong si Governor Sol ng kilalang hair stylist at fashion designer na si Dennis Santos na napag- alaman na co- owner ng mga Maliwat sa nasabing beauty lounge. 

Bilang gesture nina Dr. Rojohn at Gng. Maida Maliwat kay Governor Sol, nagkaloob ang mga ito ng sampung malalaking kahon na naglalaman ng iba’t ibang uri ng gamot na makakadagdag sa free medical and dental mission ni Governor Sol.

Sa pahayag naman ni Gng. Maida Maliwat, ang Maliwat Beauty Lounge ay isang Skin, Beauty, Aesthetic Clinic na nagbibigay ng mga serbisyo gamit ang mga makabagong makina at teknolohiya pampaganda, tulad ng Facial Treatment, Microneedling Exosomes 12D HIFU Lutheran Carbon Black Doll, Glutathione Drip, Cautery & Laser Treatments, Slimming Devices at Nail and Foot Services.

Sa mga nais magpakunsulta maaring magpunta sa Sitio Sampaguita, Brgy. Bubukal, Sta. Cruz, Laguna o bisitahin ang kanilang Facebook Page Maliwat Medical Hub at Maliwat Beauty Lounge.(Mhadz Marasigan/Arman Cambe)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course