Lungsod ng San Pablo tuloy-tuloy ang pag-abante sa pamununo ni Mayor Vicente “Vic” Amante
Lungsod ng San Pablo tuloy-tuloy ang pag-abante sa pamununo ni Mayor Vicente “Vic” Amante
an Pablo City-Tila kuntento at wala na nga hinahanap pa ang mga San Pableño sa administrasyong Amante dahil sa maganda, kumpleto at may ngiting serbisyo ng pamunuang ito.
Hindi matatawaran ang mga nagawang programa at proyekto ni Mayor Vic Amante sa Lungsod ng San Pablo. Ang adbokasiya niya para sa pantay na pagkakaroon ng acces sa serbisyong medikal at edukasyon para sa kanyang mga kababayan ay naisakatuparan.
Sa pagsisikap ni Mayor Vic Amante katuwang si Congressman Loreto “Amben” Amante ay naipatayo ang San Pablo General Hospital kung saan maging mga karatig bayan ay nakakapakinabang sa mga serbisyo ng nasabing ospital. Sa kasalukuyan ay naitayo na rin ang karagdagang pang pasilidad upang higit na makapag bigay ng serbisyo sa mga na ngangailangan ng serbisyong medikal.
Naniwala si Mayor Vic Amante na Edukasyon ang susi upang mapuksa ang kahirapan, sa kanyang termino ay naipatayo niya ang Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo na ngayon ay ganap ng Pamantasan.
Sa nasabing pamantasan ay libo ng mga mag-aaral ang nagsipagtapos at nabago ang buhay.
Tunay na hindi hadlang ang kahirapan upang mabago ang buhay, ang kailangan ay mga namumuno sa gobyerno na mayroong malasakit at dedikasyon sa pag-gawa at pagpapatupad ng mga programa at proyekto na mapapakinabang ng tao.
Sa pagtutulungan nina Mayor Vic Amante, Vice Mayor Justin Colago, mga miyembro ng konseho katuwang sina Cong. Amben Amante at Gem Castillo-Amante na naglalayong maging Ikalawang Ina ng Lalawigan ng Laguna ay tiyak na tuloy-tuloy ang progresibong pag-unlad ng Lungsod ng San Pablo. (Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment