MAYOR ABBY BINAY BUMISITA SA SANTO TOMAS, BATANGAS

 MAYOR ABBY BINAY BUMISITA SA SANTO TOMAS, BATANGAS


Isang mainit na pagtanggap ang iginawad ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, kasama sina Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, Sangguniang Panlungsod Members at mga kawani ng lokal na pamahalaan, sa pagbisita ni Makati City Mayor Abby Binay nitong Marso 25, 2025. Sa kanyang pagbisita, nagkaroon ng makabuluhang talakayan sa pagitan ni Mayor Binay at ng mga lokal na opisyal ng Sto. Tomas ukol sa mga programang panglungsod, best practices sa pamamahala, at posibleng pagtutulungan para sa patuloy na pag-unlad ng dalawang lungsod. Ang naturang courtesy visit ay nagpapatibay ng ugnayan at pagbabahagi ng kaalaman sa mabuting pamamahala, na magsisilbing inspirasyon para sa mas epektibong serbisyo publiko sa mga mamamayan.


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course