Mga anomalya sa pagbili ng lupa sa Brgy. Langgam sa San Pedro City, binisto ni Atty. Melvin Matibag

 Mga anomalya sa pagbili ng lupa sa Brgy. Langgam sa San Pedro City, binisto ni Atty. Melvin Matibag


San Pedro City, Laguna — Ipinahayag ni Atty. Melvin Matibag ang kanyang mga alalahanin sa pagmamadali ng San Pedro City Council sa pag-apruba ng isang kasunduan sa pagbili ng lupa sa Barangay Langgam, ang binanggit na mga alegasyon na ang presyo bawat metro kuwadrado ay labis na mataas at hindi kumpleto ang dokumento.

Sa panayam ng mga miyembro ng media kay Atty. Melvin Matibag nabanggit niya na kailangan ng masusing pagsusuri at transparency sa mga transaksyon ng lokal na pamahalaan upang maprotektahan ang interes ng komunidad lalo na ang mga mamayan ng San Pedro.

Pinuna ni Atty. Melvin Matibag, ang mga isyu sa pagbebenta ng lupa sa Barangay Langgam at ang kontrobersya sa Prime Water supply dahil sa maruming tubig.

“Ito ay kaugnay sa pagmamadali ng pagpapirma ng konseho ng Lungsod ng San Pedro para mabili ang lupa sa Brgy. Langgam na diumano ay over priced ang nakatalangang presyo ng halaga per square meter ng nabanggit na lupa,” sabi ni Atty. Matibag.

Ayon kay Atty. Melvin, sa magkasunod na session ng Sangguniang Panglunsod ay tumutol si Councilor Lonlon Ambayec at hindi lumagda sa resolusyon ng pagbili ng lupa sa Brgy. Langgam na diumano’y may sukat na humigit kumulang  1,200 square meter at nagkakahalaga ng P45M, pumapatak na humigit kumulang P35,000.00 per square ang halaga. Ang nasabing presyo ay natalo pa ang halaga ng lupa sa La Marea na isang exclusive subdivision.

Ayon pa kay Atty. Matibag, sa ginawang pagtutol ni Councilor Ambayec ay kanyang nalaman ang kakulangan sa mga dokumento na kailangan sa pagbili ng lupa tulad ng Certificate of Availabilty of Funds at independent assessor’s report accredited by Financial Institution gaya ng Central Bank o GSIS.

Nanawagan si Atty. Melvin Matibag bilang lehitimong taga San Pedro sa mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng San Pedro na ipaliwanag sa taong bayan kung bakit sobrang taas ng presyo ng lupa at kulang sa dokumento.

Samantala, patuloy ang Team Matibag sa pagbibigay ng serbisyo sa lungsod ng San Pedro. Ibinahagi din ni Kongresista Ann Matibag ang kanyang mga saloobin sa mga nasabing usapin.

“Hayaan natin magkaroon ng asensado at progresibo ang bawat buhay ng pamilya ng mga taga San Pedro, huwag natin silang guluhin, lokohin huwag linlangin sa mga gustong ipahiwatig, nasa dokumento makakapagsalita kung ano ang katotohanan, yun lamang po ang ipinaglalaban ng aking asawa, ang katotohan at ang para at  narararapat sa mga  taga San Pedro” pahayag ni Cong. Ann Matibag.

Idinagdag ni Matibag na ang pagbebenta ng lupa at mga isyu sa Prime Water ay mahigpit na minomonitor upang matiyak ang transparency at pananagutan sa mga proyekto at transaksyon sa Lungsod ng San Pedro. (Mhadz Marasigan)


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course