Mga magiging miyembro ng Electoral Board,sumailalim ng komprehensibong pagsasanay

 Mga magiging miyembro ng Electoral Board,sumailalim ng komprehensibong pagsasanay


Ang mga gurong itatalagang miyembro ng mga Electoral Board sa Lungsod ng San Pablo kaugnay ng nalalapit na May 12, 2025 Midterm Election ay sumailalim ng anim-na-araw na pagsasanay upang sila ay magkaroon ng sapat na kamalayan at kasanayan sa paggamit o how to operate ng “automated counting machine (ACM)” na kanilang gagamitin sa araw ng halalan, upang ganap nilang mapangasiwaan ang ipatutupad na proseso ng halalan.  Na upang maayos na mapangasiwaan o maging manageable ang mga teachers-trainees ay hinati sa dalawang grupo, ang isang grupo ay nagsanay sa Barangay Training Center sa pagsubaybay ni Election Officer Sarah S. Aycardo; at ang isang grupo ay sa One Stop Processing Center sa pagsubaybay ni Acting City Election Officer Donna Lee S. Eslit, noong nakaraang Abril 21 – 26, 2025. 
Katulong ng Commission on Elections (COMELEC) sa pagkakaloob ng tamang kamalayan sa paggamit ng makabagong automated counting machine ang mga DOST-Certifier na siyang aktwal na nagsagawa ng pagtaya sa tinaglay na kasanayan at kakayanan  upang sila ay mabigyan ng katibayan na sila ay nakatutugon sa itinakdang pamantayan sa ilalim ng Republic Act No.  9369 o Automated Electionb Law.
Nabanggit ni Electioin Officer Eslit  na kinakailangang  sumailalim ang mga guro sa ganitong komprehensibong pagsasanay upang sila ay ganap na maihanda  sa maayos na pangangasiwa ng gaganaping May 12, 2025 Midterm Election upang ang bawat  boto na pinagpasiyahan ng mga manghahalal ay mabibilang. (Ruben E. Taningco/Photo:CIO-San Pablo) 

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course