Motorcade ni Sol Aragones sa 4th District ng Laguna inabangan ng mga suporters

 Motorcade ni Sol Aragones sa 4th District ng Laguna inabangan ng mga suporters


Sta. Cruz, Laguna- Hindi alintana ni Sol Aragones ang init ng panahon para lamang makadaupang palad at makita ang mga kababayang sumusuporta sa kanya sa ika-apat na distrito ng Laguna

Nais ni Sol Aragones na mapalawig pa ang kanyang matulungan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng posisyon sa Pamahalaang Panlalawigan. 

        Matatandaan na minsan ng lumaban si Sol Aragones bilang gobernador ngunit hindi ito pinalad na manalo. 

Sa kabila ng kanyang pagkatalo at walang posisyon, hindi ito naging hadlang para makapag-abot ng tulong sa mga nangangailangang mga kababayan. 

Hindi na mabilang na mga medikal devices, bigas, gamot, pangkabuhayan package, pang change oil at marami pang iba ang naipamahagi na ni Sol Aragones sa mga kalalawigan kahit wala siya sa posiyon. 

Ayon kay Sol, nakita niya ang marami pang kakulangan para sa kanyang mga kalalawigan tulad ng  kulang sa maasyos na pasilidad ang mga pampublikong ospital, hindi sapat na bilang ng mga doktor at nurse, Hindi pantay na acces sa Edukasyon at kakulangan sa supply ng gamot. 

Hangad ni Sol Aragones, kapag siya ang maging Ina ng Lalawigan ng Laguna, mapunan ang mga kakulangan at magdagdag pa ang mga programa at serbisyo na mapapakinabangan ng kanyang mga mahal na mga kababayan. 

        Ayon kay Sol, inilalaban niya ang pagkakaroon ng kumpletong gamit at pasilidad sa mga pampublikong ospital, mabawasan ang mga kinakailangang requirements sa pag hingi ng tulong o unahin muna lapatan ng tulong kung kita na emergency situation ito, pagdaragdag ng bilang ng mga doktor at nurse, Pagkakaroon ng Scholarship kahit grado ay palakol na may kaukulang kasunduan na mapatataas ang marka hanggang sa makapagtapos ito, at Pagkakaroon ng mga AKAY Botika sa bawat bayan sa buong Laguna.(RJ Reportorial)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course