Pagtatanim ng punong kahoy ay mahalagang palatuntunan sang-ayon kay Governor-Elect Sol Aragones

Pagtatanim ng punong kahoy ay mahalagang palatuntunan sang-ayon kay Governor-Elect Sol Aragones


        Kaugnay ng mga ulat tungkol sa mga tree planting program na isinasagawa ng iba’t ibang tanggapan o ahensya ng pamahalaan, kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng Philippine Arbor Day sa Hunyo 24,  nabanggit ni Governor-elect Sol Aragones na iyon ay maganda at kinakailangang palatuntuntan, subalit dapat itong isagawang may kalakip na tunay na malasakit na matamo ang layunin kung bakit nagtatanim ng puno.

Dapat umanong tiyakin na ang punong kanilang itinanim ay mabubuhay upang sa paglakad ng panahon ay maging bahagi ito ng kapaligiran. At dapat ipaunawa ng mga nagsipagtanim sa kanilang mga anak ang halaga ng punong kahoy sa kanilang buhay at pamumuhay.

Ipinaaalaala ng Halal-na-Punong-Lalawigan, na ang mga punong kahoy ang humahadlang sa mabilis na pagtaas ng temperatura ng kapaligiran o sa masamang epekto sa pamumuhay ng tao ng umiiral na climate change. At gaya ng kamalayang ipinauunawa ng mga tekniko ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang isang karaniwang punong kahoy ay nakakakonsumo ng 0.56 metric ton of carbon dioxide sa buong panahong ito ay nabubuhay, at kailangan ay 10 punong kahoy upang malinis ang hangin na pinarurumi ng isang kotse. At pinatutunayan ng mga pangyayari na ang mga punong kahoy ang tuwirang nakatutulong upang mabawasan ang mapanirang epekto sa kapaligiran ng mga malalakas na pag-ulan at bagyo.

        Kaya nagpapaalaala ang Governor-elect  sa mga pinunong local, kasama na ang mga barangay official, na kung babalangkas ng palatuntunan sa pagtatanim ng mga punong kahoy, halimbawa ay para sa nalalapit na pagdiriwang ng Philippines Arbor Day sa Hunyo 24, 2025,  na isang araw ng Martes, na ang pagplanuhan ay hindi lamang ang gagawing pagtatanim, kundi ang mahalaga ay bahagi ng plano ang gagawaing pangangalaga sa mga puno hanggang sa sumapit ito sa taas na may katiyakang ito ay mabubuhay at lalago sa kinatataniman nito. (Ruben E. Taningco)


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course