People’s Day ni City Administrator Larry S. Amante para sa lahat ng mga San Pableno patunay ng patuloy na magandang serbisyo
People’s Day ni City Administrator Larry S. Amante para sa lahat ng mga San Pableno patunay ng patuloy na magandang serbisyo
Noong nakaraang-Abril 2, 2025 - Sa tagubilin ni Punonglungsod Vicente B. Amante na patuloy na magbigay ng magandang serbisyo publiko sa mga San Pableno ay kanyang katuwang si City Administrator Larry S. Amante sa adhikaing ito.
Sa isinagawang People’s Day ni City Administrator Larry ay kanyang nakadaupang palad ang Chief of Police ng PNP San Pablo na si PLTCOL Tirana kasama ang ilan sa kanyang mga kawani mula sa pwersa ng kapulisan.
Kasama rin sa bumisita sa tanggapan ni City Administrator ang mga kawani ng DILG San Pablo na pinangunahan ni DILG Officer Maria Alma L. Barrientos; City Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni CSWD Officer Marilyn Escondo at AO V Edward Alcantara; si Liga ng mga Barangay President Maning Amante at ilang mga barangay chairperson sa lungsod; at mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo (PLSP) na nagwagi sa ginanap na Regional Higher Education Press Conference na ginanap sa Lucban, Quezon.
Kasama sa pagbibigay ng mahusay at hindi matatawarang serbisyo publiko ang paglalaan ng butihing City Administrator araw-araw sa lahat ng mga mamamayan ng lungsod na magtutungo sa kanyang tanggapan upang personal siyang makadaupang palad at makausap hinggil sa mga personal, medikal at mga sosyo-sibikong pangangailangan ng bawat isang San Pableno.(CIO San Pablo/Photo credit: Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment