Php 435K Halaga ng Shabu, Nasabat sa ikinasang Buy-Bust Opn ng Dasmariñas PNP
Php 435K Halaga ng Shabu, Nasabat sa ikinasang Buy-Bust Opn ng Dasmariñas PNP
GROUNDBREAKING CEREMONY :: Pinangunahan ni Congresswoman Ann Matibag ang Ground Breaking Ceremony ng bagong Multi-Purpose Building sa Brgy. Pacita 2, San Pedro City, Laguna noong nakaraang April 15, 2025.(Mhadz Marasigan/Photo Credit:Cong.Ann Matibag FB Page)
Camp BGen Pantaleon Garcia, Lungsod ng Imus, Cavite – Isang High Value Individual at dalawang Street Level Individuals ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Intel/City Drug Enforcement Team ng Dasmariñas Component City Police Station sa ikinasang buy-bust operation dakong alas-8:00 ng gabi noong Mayo 17, 2025 sa Barangay San Agustin 3, Lungsod ng Dasmariñas, Cavite.
Kinilala ni PLTCOL REGINO LARRAQUEL OÑATE, Hepe ng Dasmariñas CCPS, ang mga suspek na sina: (1) alias Jay-Ar, kasalukuyang naninirahan sa Barangay San Lorenzo 2, Dasmariñas City, Cavite. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165, habang sina alyas Rommel, residente ng Sitio Nayon, Barangay Sampirohan, Calamba City, Laguna, at alyas Renz, residente ng Barangay San Juan, Calamba City, Laguna ay nahaharap naman sa kasong paglabag sa Section 11 at 26 ng Republic Act 9165.
Ang operasyon ay naisagawa sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon ng Dasmariñas CCPS sa PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga nasabing suspek at pagkakakumpiska ng sumusunod na ebidensya: Limang (5) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 64.04 gramo, at may tinatayang halaga na Php 435,472.00 batay sa standard drug price.
Sa kasalukuyan, ang mga akusado ay nasa kustodiya ng Dasmariñas CCPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon ng kaso.
Pinuri ni PLTCOL OÑATE ang matagumpay na operasyon ng kanyang mga tauhan. “Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating masigasig na kampanya kontra iligal na droga, at ng ating layuning gawing ligtas at maayos ang ating lungsod,” aniya.
Ayon kay PCOL DWIGHT E ALEGRE, Acting Provincial Director ng Cavite PPO, “Patuloy ang ating kampanya laban sa mga indibidwal na lumalabag sa batas. Sa tulong ng komunidad, sama-sama nating isinusulong ang Bagong Pilipinas kung saan ang gusto ng Pulis — Ligtas ka!”
Comments
Post a Comment