San Pablo City 18th Tilapia Festival 2025

 San Pablo City 18th  Tilapia Festival 2025


San Pablo City (May 30, 2025) -Sa pangunguna ng tanggapan ng City Tourism at City Agriculture ay isinagawa ang Ika-18th Tilapia Festival na may temang “Masiglang Lipunan, Masaganang Hapagkainan!” sa Dagatan Blvd. Sampaloc Lake.

Sa pamumuno ni City Mayor Vic Amante at Vice Mayor Justin Colago kasama ang samahan ng FARM C, CAFC, at Seven Lakes Bantay Lawa ay humigit kumulang 700 kilos ng Tilapia ang inihaw at ipinamahagi sa mga dumalo sa nasabing festival.

Namigay ang BFAR IV-A ng libreng ornamental fish at mga fingerlings.

Dumalo sa nasabing pagdiriwang sina City Tourism Officer Maria Donnalyn E. Brinas, Erlene A. Delgado mula sa City Agriculture Office, Regional Director BFAR IV-A Sammy A. Malvas, General Manager LLDA Atty. Senando Santiago, at Dr. Rowena dT. Baconguis, Project Leader College of Public Affairs and Development UP Los Banos at mga Department Heads ng Lokal na Pamahalaan.(Mhadz Marasigan/Lynn Domingo)


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course