Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas namahagi ng libreng laptop sa mga kabataan

Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas namahagi ng libreng laptop sa mga kabataan


        Santa rosa City-Patunay sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa makabagong edukasyon, personal na ipinamahagi ni Mayor Arlene B. Arcillas ang mga libreng laptop noong Mayo 26, 2025 sa mga delegado ng Youth and Student Leaders Empowerment Forum. Mahigit isandaang kinatawan mula sa iba’t ibang paaralan, Sangguniang Kabataan, at youth-serving organizations ang nagtipon upang patibayin ang kanilang kasanayan at partisipasyon sa gawaing pampamayanan at pamahalaan.

        Sa tulong ni Vice Mayor Arnold B. Arcillas, personal na inabot ni Mayor Arlene, ang mga laptop na magsisilbi ngayong pangunahing instrumento ng kabataang lider para sa pag-aaral, pananaliksik, at pagbuo ng mga programang pangkomunidad. 

Marami sa mga tumanggap ang nagpahayag ng labis na pasasalamat dahil magiging mas madali na para sa kanila ang pag-access ng online resources at pagpaplano ng mga proyekto para sa kanilang mga kapwa kabataan.

        Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Arlene na “walang maiiwan sa pag-unlad,” at tiniyak na may sapat na kasangkapan ang kabataan ng Santa Rosa upang mapaigting ang kanilang kaalaman at gawain para sa bayan. Ang pamamahagi ng mga laptop ay bahagi ng mas malawak na programang digital transformation ng lungsod, na kinabibilangan din ng pag-upgrade ng mga computer laboratory sa mga pampublikong paaralan, pagtatayo ng libreng WiFi zones sa piling komunidad, at pagsasanay sa digital literacy para sa mga mag-aaral at guro.

Sa kabuuan, ang hakbang na ito ay sumasalamin sa pangmatagalang layunin ng Santa Rosa na alagaan at ihanda ang kabataan—hindi lamang bilang mga mag-aaral sa kasalukuyan kundi bilang mga hinaharap na lider na magpapatuloy sa paglinang at paglilingkod sa kanilang komunidad. (Photo Credt:MO J-one/Mhadz Marasigan/CIO Santa Rosa)


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course