Senatorial Candidate Atty. Rodante Marcoleta bumisita sa Lunsod ng San Pablo
Senatorial Candidate Atty. Rodante Marcoleta bumisita sa Lunsod ng San Pablo
San Pablo City- Mainit ang ginawang pagtanggap nina City Mayor Vicente “Vic” Amante at may bahay nitong si Laguna Vice Governor Aspirant Gem Retuerto Amante sa pagbisita ni Senatorial Candidate Atty. Rodante Marcoleta sa Lungsod ng San Pablo.
Dumating din upang magpaabot ng suporta kay Marcoleta sina Vice Mayor Justin Colago kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, ABC President Ariston “Maning” Amante at mga kasalukuyan at dating chairman mula sa 80 barangay at samahan ng mga The Fraternal Order of Eagle Philippine Eagle sa pangunguna ni TFOE- PE Vice President for Luzon Rommel Abital.
Naniniwala si Marcoleta na kapag malakas ang barangay, matatag ang republika.
Ayon kay Atty. Rodante Marcoleta, siya ay may panukalang batas na isinusulong na kung maisasabatas ay malaking tulong para mapalakas ang mga Barangay.
Ayon pa kay Marcoleta, nararapat na dagdagan ang pondo ng mga barangay hindi lamang base sa IRA nito, bigyan din ng pansin na mapataas ang honorarium ng mga nagseserbisyo sa barangay “24/7 ang trabaho ninyo, ang gawain ninyo ay mas mahirap pa sa mayor, araw araw kaulayaw ninyo ang problema ng inyong barangay” wika pa ni Marcoleta.(Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment