Sitwasyon sa mga public hospital sa Laguna, ikinababahala ni Sol Aragones

 Sitwasyon sa mga public hospital sa Laguna, ikinababahala ni Sol Aragones 


Laguna — Ikinabahala ni Laguna governatorial candidate Sol Aragones ang umano’y kalunos-lunos na kalagayan ng ilang pampublikong ospital sa lalawigan, base sa mga salaysay ng ilang residente. 

Sa kanyang pakikipag-usap kay “Celestina,” isang concerned citizen, ibinahagi nito ang ilang kwento ng pasyente mula sa isang pampublikong ospital sa Laguna. 

Aniya, may tatlong pasyente umano ang kailangang magbahagi sa iisang tangke ng oxygen. Bukod pa rito, isang stroke patient ang tatlong araw nang nakaupo lamang sa emergency room dahil sa kakulangan ng kuwarto. 

Ayon pa kay Celestina, isang batang may pneumonia ang tinitiis na lamang ang sakit dahil hindi kayang bilhan ng gamot ng kanyang ina. 

Mariing tinanong ni Aragones: “Kung totoo ang mga sumbong na ito, ganito ba ang nais ng mamamayan ng Laguna na maranasan sa mga pampublikong ospital sa susunod na tatlong taon?” 

Dagdag pa ni Aragones, “Ilan pa kayang mga kababayan natin ang kailangang makaranas ng ganitong klase ng serbisyo bago tayo kumilos?” 

Bukas daw ang kanyang tanggapan sa mga administrador ng mga pampublikong ospital upang magbigay linaw sa mga sumbong na ito at tukuyin kung ano ang kailangang gawin upang agad na matugunan ang mga problema. 

Nanawagan si Aragones ng agarang aksyon upang masiguro ang maayos, ligtas, at makataong serbisyo para sa bawat Lagunense.(RJ Reportorial)


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course