Tax-Free sa lahat ng kinitang interes sa bank deposit, isinusulong ni Cong. Amante.

Tax-Free sa lahat ng kinitang interes sa bank deposit, isinusulong ni Cong. Amante.
Nagpasa ng isang panukalang batas si Laguna 3rd District Congressman Loreto S. Amante na naglalayong tanggalin ang 20% buwis sa mga kinitang interest ng mga deposito sa bangko kaninang umaga sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa ilalim ng House Bill 2215 (An Act Declaring Tax-Free All Interest Earned From Local Currency Bank Deposits And Qualified Investments In Long-term Instruments Derived From Sources Within The Philippines, Except Interest Income On Foreign Currency Deposits, Amending For Such Purpose Section 24 Of Republic Act. No. 12214, Otherwise Known As The Capital Markets Efficiency Promotion Act), hindi na bubuwisan ang mga kinitang interest sa mga deposito sa bangko maliban sa mga Foreign Currency Deposits. Layon nitong amyendahan ang Capital Markets Efficiency Promotion Act na naging kontrobersyal kamakailan.

Ayon kay Cong. Amante, marapat na bigyang pagpapahalaga ang pagsusumikap ng mga manggagawa at maliliit na negosyante na makaipon sa pamamagitan ng pagbibigay ng instentibo sa halip na patawan ng buwis ang kita sa ipon sa banko. Anya, sa pangkalahatan at kinalaunan, ito ay makakatulong sa ekonomiya ng bansa.
#CongAmbenAmante

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course