Training on Crop Production Technology
Training on Crop Production Technology
Isinagawa ang Training on Crop Production Technology (Weather Forecasting) para sa mga presidente at miyembro ng iba’t ibang Farmers Association mula sa mga barangay ng Lungsod ng Sto. Tomas.
Pinangasiwaan ang programa ng City Agriculture Office katuwang ang Department of Agriculture – Regional Field Office IV-A. Nagsilbing mga tagapagsalita sina John Paul M. Castillo (Project Development Officer II), Alexis R. Oabel (Agriculturist I), at Engr. Miarose Mara S. Lumbera (Project Development Officer II).
Layunin ng naturang pagsasanay na palalimin ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka hinggil sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka, mapaunlad ang kanilang produksyon, at maihanda sila sa mga hamon ng pabago-bagong klima at panahon upang mapanatili ang seguridad sa agrikultura.
Patuloy ang buong suporta ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Atty Arth Jhun Aguilar Marasigan, Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at Miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa mga programang patuloy na magpapalakas sa sektor ng agrikultura sa Sto. Tomas.
Comments
Post a Comment