Tuwing Hunyo 19, palagian nang araw na walang pasok sa Laguna

 Tuwing Hunyo 19, palagian nang araw na  walang pasok sa Laguna


     San Pablo City –Parang nakaugalian na ng marami, lalo na ng mga negosyante, ang kung malapit na ang Buwan ng Hunyo ay hintayin ang Presidential Proclamation kaugnay ng gaganaping paggunita sa Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal. Dahilan sa mayroong taong ang proklamasyon ay nagtatagubilin na “Non-Working Day in the Province of Laguna,”  at mayroon namang taong ang Walang Pasok o Non-Working Day ay sa Bayan noon ng Calamba lamang. Ang nagiging pahayag na ito ay nagdudulot ng suliranin sa mga negosyante o industriyalista  sa 1st and 2nd District  of Laguna sa paghahanda ng kanilang badyet para pansuweldo sa Buwan ng Hunyo.

     Sang-ayon kay Governor-Elect Sol Aragones, simula noong Taong 2019 ay hindi na nagpapalabas ng Proclamation ang Pangulo, dahil sa ang kanilang pinanukalang batas noong kanyang second term sa Kongreso na natutungod sa paggunita sa kaarawan ng pangunahing bayani ng bansa ay kaagad pinagtibay ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Nobyembre 9, 2018, na ito ay ang Republic Act No. 11144 o   “An Act Declaring June 19 Of Every Year A Special Non-Working Holiday In The Whole Province Of Laguna In Honor Of The Birth Anniversary Of Our National Hero, Dr. Jose P. Rizal,” Kaya tuwing sasapit ang Hunyo 19 ng bawat taon  ay palagian ng “Piyesta Opisyal o Araw na Walang Pasok sa Buong Lalawigan ng Laguna.” (Ruben E. Taningco)


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course