2nd Quarter National Social Pension
2nd Quarter National Social Pension
Sto. Tomas City, Batangas-Isinagawa noong Hunyo 23–24, 2025 ang pamamahagi ng National Social Pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 2,278 senior citizen beneficiaries sa Lungsod ng Sto. Tomas.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office katuwang ang Office for Senior Citizens Affairs para sa mga kwalipikadong senior citizens na tumanggap ng 3,000 bawat isa bilang social pension para sa ikalawang quarter ng taon.
Ang pagpili ng mga benepisyaryo ay isinagawa ng DSWD Region IV-A batay sa masusing assessment at mahigpit na kwalipikasyon, alinsunod sa DSWD Senior Citizens Pension Guidelines. Kabilang sa mga prayoridad ng programa ay ang mga mahihina, may sakit o may kapansanan, walang regular na kita o suporta mula sa pamilya o kamag-anak, at hindi nakatatanggap ng anumang pensiyon mula sa gobyerno o pribadong sektor.
Ang programang ito ay patuloy na sinusuportahan ng lokal ng pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, bilang bahagi ng kanilang adbokasiya na tiyakin ang kapakanan at kaginhawaan ng mga nakatatanda sa lungsod.
Patunay ito ng tuloy-tuloy na pagtutok ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyong may malasakit, lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan.
Comments
Post a Comment