"Bago tayo gumawa ng isang programa atin munang masusing pinagaaralan"-Mayor Dennis Hain
"Bago tayo gumawa ng isang programa atin munang masusing pinagaaralan"-Mayor Dennis Hain
Cabuyao City- "Bago tayo gumawa ng isang programa atin munang masusing pinagaaralan" pahayag ni Cabuyao City Mayor Dennis Felife "DenHa" Cantera Hain, sa Press Conference na ginanap sa kanyang tanggapan noong nakaraang Lunes ika-4 ng Agosto 2025 kaugnay sa pagdiriwang nila ng 13 th Cityhood ng Cabuyao.
Nabanggit ni Mayor Hain, na isa sa malaking pagbabago ng Cabuyao ng ito ay maging Lungsod ay ang pagiging maliwanag nito kumpara sa ibang karatig bayan.
Ayon pa kay Mayor Dennis, bagamat noong una ay hindi siya maunawaan ng mga kababayan dahil ito ay diumanoy pagaaksaya sa kuryente, kalaunan ay naintindihan din ito nung naging mapayapa at walang gulo na naitala "mahalaga yung pagpapailaw namin ng kalsada dahil sa aming mga record almost 70% ang ibinababa ng major accidents tulad ng vehicular o motorcycling na dati ay gabi-gabi meron naitatala, ngayon lumilipas ang buwan ng walang aksidente dahil maliwanag ang daan plus lumiliit din ang crime rate, tulad ng pangdurukot, agaw cellphone holdap maliliit pero marami, ngayon bumaba dahil siguro natatakot ang mga masasamang loob na gumawa dahil maliwanag na plus nabawasan din ang mga tambay sa kanto" dagdag pa ni Mayor Hain.
Isa pa rin sa pinatatag na serbiyo sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Hain ay pagkakaroon ng ATM Card ng bawat Senior Citizens na doon pumapatak ang pinansyal na tulong mula sa pamalaan at iba pang NGOs.
Ayon kay Mayor Dennis, noong siya ay kapitan nakita niya ang problema ng ilang senior na dahil sa katandaan ay hindi na nakakarating sa mga patawag kung kaya hindi nakatatanggap ng pinansyal na tulong "Dito sa Cabuyao sinigurado po namin na makakarating sa mga senior citizens, para sigurasong makakarating binigyan ko sila ng ATM Card yung mga senior citizens para sigurado na darating sakanila at iyan ay naka connect sa ating LCR kung may nadadagdagan na senior o may nababawas na senior" ani pa ni Mayor Dennis.
Binigyan diin ni Mayor Hain, halos parepareho naman ang mga programa na ginagawa sa ibang bayan o bansa, ngunit sakanya nais niya na higit pang pagandahin ang mga programa at serbisyo na mas mapapakinabangan at mararamdaman ng mga mamamayan.(Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment