Forefront: Kaibigan

Forefront: Kaibigan 

Sa bawat yugto ng ating buhay ay marami tayong nakikilala at nakakasama. Ang pagtatapos ng pag-aaral nang mga magaaral ay nagbibigay hudyat ng panibagong pakikisalamuha at pakikisama gayundin ang pamamaalam sa dating mga kasama at mga kaibigan. Sa mga panahong tayo'y pagod, hirap sa aralin, at halos sumuko na, nariyan ang kaibigan na di lamang kasama sa saya kundi pati sa luha at pagdurusa. Tunay nga ang sinasabi sa Kawikaan 17:17, “Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.”

Sa mga taon ng ating paglalakbay sa paaralan, may mga kaibigang nagsabi ng totoo kahit masakit, nagtuwid sa ating landas kahit mahirap tanggapin. Ngunit doon natin lalong napatunayan ang kanilang halaga. “May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.” (Kawikaan 27:6) Sa kanilang katapatan, tayo'y lumago, hindi lamang bilang estudyante kundi bilang tao. Hindi nila tayo kinunsinti, bagkus itinuwid tayo sa tamang paraan, at iyan ang uri ng kaibigang dapat dalhin natin habang tayo'y humaharap sa panibagong yugto ng ating buhay.

Higit sa lahat, sa likod ng bawat mabuting kaibigan ay ang pagkilos ng Diyos. Siya ang naglalapit ng tamang tao sa tamang panahon. Kaya sa ating pagtatapos, pasalamatan natin hindi lamang ang mga kaibigan kundi ang Diyos na nagbigay sa atin ng biyayang iyon. Nawa’y sa bagong yugto ng ating buhay, maging tulad din tayo ng kaibigang ipinagkaloob Niya, maaasahan, tapat, at may pusong makaDiyos.

        To God be the Glory!

(Mhadz Marasigan)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course