Governor Sol Aragones, Pinarangalan Bilang Honorary Member sa 50th Induction Ceremony ng Rotary Club of Santa Cruz
Governor Sol Aragones, Pinarangalan Bilang Honorary Member sa 50th Induction Ceremony ng Rotary Club of Santa Cruz
Pinarangalan ng Rotary Club of Santa Cruz si Governor Sol Aragones bilang Honorary Member sa kanilang 50th Induction Ceremony bilang pagkilala sa kanyang walang sawang paglilingkod sa publiko at sa mga adbokasiyang kaakibat ng misyon ng club, partikular sa larangan ng kalusugan. Dumalo sa makasaysayang pagtitipon ang mga kasalukuyan, papaalis, at bagong opisyal upang ipagdiwang ang patuloy na serbisyo ng samahan at salubungin ang bagong pamunuan.
“May tamang timing sa lahat ng pagkakataon at mukhang ang taong 2025 ang itinadhana ng Panginoon na oras na ni Sol Aragones na maglingkod sa lalawigan ng Laguna,” pahayag ni Governor Aragones bilang pasasalamat at pagpapakita ng kanyang kahandaan na maglingkod sa lalawigan.
Muling binigyang-diin ng Gobernadora ang kanyang prayoridad na pagandahin at ayusin ang mga pampublikong ospital sa Laguna. “Aayusin ko ang mga pampublikong ospital ng lalawigan ng Laguna.” Kinikilala rin niya na hindi kayang tugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan, kaya mahalaga ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor at organisasyon. “Kahit pagod na ko buong araw pupuntahan ko kayo dahil alam ko sa puso ninyo gusto nyo rin tulungan ang lalawigan ng Laguna,” mensahe niya sa mga miyembro ng Rotary.
Sa pamumuno ng GOByernong may SOLusyon, ang pagtitiwala mula sa iba’t ibang organisasyon ay patunay ng lumalaking kumpiyansa sa kanyang administrasyon at sa kakayahan nitong maghatid ng tunay at makabuluhang pagbabago.
Nagtapos ang gabi sa mainit na pagpapasalamat at panibagong inspirasyon para sa sama-samang layunin ng paglilingkod. Sa diwa ng GOByernong may SOLusyon sa serbisyong pampubliko, ang pagtitipon ay naging higit pa sa isang induction isa itong pagdiriwang ng pagkakaisa, pagtitiwala, at muling pagtatalaga sa misyon na gawing mas matatag, mas malusog, at mas may malasakit ang lalawigan ng Laguna. (30)
Comments
Post a Comment