Inagurasyon ni Vice Mayor Justin G. Colago sa SP Session Hall
Inagurasyon ni Vice Mayor Justin G. Colago sa SP Session Hall
Ganap na 1:30 PM, isinagawa ang inagurasayon sa ika-tatlo termino ni Pangalwang Punong Lungsod Justin Gapit Colago. Sa kanyang pagtalakay patungkol sa mga batas na naipasa ninya. Naging emosyonal naman si VM Colago, isa na dito ang pagbibigay ng galang n’ya sa dating Punong Lungsod Vicente Belen Amante, PhD. Ayon sa kanya si dating Mayor Amante ay laging naka suporta sa adhikain ng Sangguniang Panglunsod lalo na ang usapin pang-kalusugan. Ayon din kay SK President Eldrich Khristoffer Villanueva o mas kilala Ace ay di rin maiwasan maging emosyonal at labis na kalungkutan patungkol kay dating Punong Lungsod Mayor Vicente B. Amante na isa rin sa mga gumabay at tumulong sa mga nanunungkulan sa Sangguniang Kabataan. Di lang SK ang ginabayan ng dating Punong Lungsod ganyun din ang buong Kabataan ng Lungsod ng San Pablo. (Ding Saraza SLPC/Gil Aman Peoples Tonight)
Comments
Post a Comment