Mapa ng kahandaan, laging binabalikan

Mapa ng kahandaan,  laging binabalikan


Bilang pag-alinsunod sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante,si City Government  Assistant Department Head  Margarita  Vanessa T. Reyes ay muling pinulong ang mga bumubuo ng City Disaster and Risk Reduction Management Council, upang balikan at repasuhin ang isang dati ng mapa na nagpapakita ng mga kinikilalang landslide-prone area o lawak na nanganganib na gumuho, gayon din ang ilang bahagi ng lungsod sa may kahabaan ng peripheral road ng Sampaloc Lake na noong 1995 nang may magkasunod na bagyong nagdaan ay may naganap na pagguho o landslide, upang ang pangasiwaang lungsod ay magabayan sa pagrirebisa ng disaster mitigation plan, upang ito ay maiangkop sa umiiral na kalalagayan ng lungsod.

     Sang-ayon kay City DILG Director Maria Alma L.  Barrientos, ay wala namang lubhang malaking pagbabago sa mga kinikilalang disaster-prone area sa lungsod, dahil sa ang mga nagaganap na pagguho at pagbabaha ay sa mga dati na ring dako, batay sa mga naiingatan pang typhoon report simula noong 1968 o simula sa panahon ng panunungkulan ni Mayor Cesar P. Dizon.

     Ayon  kay Gng. Barrientos,  bilang isang component city, ang Lungsod ng San Pablo ay kasama sa lahat ng mga pagpupulong na may kaugnayan sa epekto ng kalamidad sa pamayanan na ipinatatawag ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna, sa pamamagitan ng  Provincial Risk Reducation and Disaster Management Office. 

     Bukod sa Evacuation Center na patayo ng national government sa Barangay San Gregorio,  ang lahat ng mga  paaralan sa lungsod ay laging nakahanda upang buksan at gawaing evacuation center sakali’t kakailanganin ang mga biglaang paglilipat at pansamantalang pagtigil ng mga magiging biktima ng kalamidad. At batay sa karanasan sa mga nakaraang taon, ang pagtigil sa evacuation center ay sadyang pansamantala lamang, sapagka’t  pagbuti ng panahon, at  ang mga biktima na walang bahay na mababalikan dahil sa ito ay nawasak, ay kaugalian na sa lungsod na sila ay mga kamag-anakan o kaibigan  pansamantalang titigil o manunuluyan.

     Sa pananaw ni City Administrator Larry S. Amante, dito sa Lungsod ng San Pablo ay  spider-web design ng sistema ng lansangan, kaya sa pagtungo sa lahat ng barangay ay may alternative route, na kung magkakaroon ng mga pagguho at may mga lansangang pansamantalang masasara sa trapiko dahil sa ito ay natambakan ng gumuhong lupa, ay may iba kaagad lansangang madaraanan ang mga maghahatid ng tulong. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course