Pagpaparehistro ng sanggol, isang pananagutan ng magulang

Pagpaparehistro ng sanggol, isang pananagutan ng magulang

San Pablo City –  Sa isang pagkakataon na nakatagpo ng tagapag-ulat na ito si Chief Statistical Specialist Magdalena T. Serqueña, hepe ng Philippine Statistics Authority (PSA)-Laguna Provincial Office na  naka-base sa lungsod na ito, sa Community General Hospital of San Pablo City, nang siya ay may dinalaw na kaibigang babagong nakapagsilang ng isang sanggol na babae, ay kanyang nabanggit na ang pagpaparehistro sa Local Civil Registrar ng kanilang kasisilang pa lamang na sanggol ay isang pananagutan ng isang magulang, at ito ay naaayon sa isang paninindigan ng United Nations Organization (UNO) na nabigyang diin nang ganapin sa Pilipinas ang National Conference Workshop on First Rights of Children noong Marso 1, 1999.

     Ayon kay Bb. Serqueña, malinaw na itinatagubilin ng Article 7 ng Convention on the Rights of the Child (CRC), na “Ang sanggol ay dapat ipatala kaagad pagkasilang dito, sapagkat ang sanggol ay  may karapatan simula sa pagkapanganak dito sa isang pangalan, at karapatan na magkaroon ng pagkamamamayan o nationality.”

     Ipinaaalaala ni Bb. Serqueña na ang “birth certificate” ng isang tao ay isang pangangailangan, mula sa kanyang pag-aaral, sa pamamasukan sa gawain, sa pag-aaasawa, sa pagkuha o paghiling ng passport para makapaglakbay sa labas ng bansa, at maging sa pagkubra ng kabaya. 


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course