Pangkalahatang Asembleya ng Laguna Information Officers Network: Mas Matatag na Koordinasyon, Mas Malakas na Mensahe Laban sa Pekeng Balita

Pangkalahatang Asembleya ng Laguna Information Officers Network: Mas Matatag na Koordinasyon, Mas Malakas na Mensahe Laban sa Pekeng Balita

Isinagawa ng Laguna Information Officers Network (LION) ang kanilang pangkalahatang asembleya at halalan ng mga bagong opisyal, na nagtipon sa mga lokal na mamamahayag, mga pampublikong tagapaghatid ng impormasyon, at mga tagapagtaguyod ng komunikasyong pang-gobyerno upang palakasin ang pagtutulungan at bigyang-lakas ang laban kontra fake news sa buong lalawigan.

Pinangunahan ni Gobernadora Sol Aragones ang pagtitipon at binigyang-diin ang kahalagahan ng katotohanan at katumpakan sa lahat ng anyo ng pampublikong komunikasyon, batay na rin sa kanyang karanasan bilang dating broadcast journalist.

“Mahalaga ang impormasyon. Mahalaga rin na tama ang impormasyon na binibigay natin sa mga tao,” ani Gobernadora. Inalala rin niya ang mga aral mula sa kanyang panahon sa ABS-CBN, “Bottomline po ay pag gumawa ka ng balita, ng kwento, dapat maiintindihan ito ng lahat.”

Binigyang-linaw din niya ang kanyang adbokasiya sa solution-based governance. “Hinahanap ko ang pangit para solusyunan,” aniya, habang nililinaw na madalas ay maling nauunawaan ito. “Hindi ko hinahanap ang pangit para manisi ng tao.” Maliwanag ang kanyang mensahe: ang pampublikong serbisyo ay dapat maging tugon at hindi paninisi.

Mariin ding nanindigan ang Gobernadora para sa integridad sa komunikasyon. “Palakasin natin ang impormasyon. No to Fake News tayo.” Sa pamamagitan ng mga seminar, workshop, at mga pagsasanay na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan, layunin nitong masiguro na ang mga impormasyong inilalabas ay tama, napapanahon, at madaling maintindihan mula sa Kapitolyo hanggang sa mga bayan.

Nagbigay din siya ng katiyakan sa mga mamamahayag: “Kaharap ko ang kapwa ko mamamahayag, huwag kayong mag-alala aakayin namin kayo at aalagaan sa GOByernong may SOLusyon.” Tumimo ang kanyang pangako ng suporta at pagpapaunlad sa sektor ng impormasyon sa mga dumalo.
Samantala, inulit ni Danilo Lucas, hepe ng Provincial Information Office (PIO), ang panawagan ng Gobernadora para sa mas malawak na pagpapalaganap ng impormasyon sa antas ng komunidad. “Sana bumaba tayo hanggang barangay level,” aniya, at iminungkahing bawat barangay ay dapat may sariling Public Information Officer. Sa pagbibigay-diin sa salitang “grassroots,” iginiit niya na dapat magsimula sa ibaba ang mabilis at malinaw na komunikasyon. “Mabilis na information dissemination,” dagdag niya, ay mahalaga lalo na sa panahon ng kalamidad o sakuna, kung saan napakahalaga ng presensya at aksyon ng mga lokal na tagapaghatid ng impormasyon. “Primary, i-combat natin yan mga Fake News o Misinformation,” dagdag pa niya.
Nagbigay rin ng mensahe si Noel Alamar, pangulo ng Laguna Capitol Press, na nagpahayag ng halaga ng pagkakaisa sa komunikasyon. Inalala niya ang matagumpay na pagtutulungan nila sa isang event sa Cabuyao. “Working together works,” ani niya. Kinikilala rin niya ang mahalagang papel nila bilang tulay sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at mga lokal na yunit ng pamahalaan (LGU). Sa ilalim ng direktiba ni Gobernadora Sol, layunin ng kanilang grupo na maisagawa ang epektibong pampublikong impormasyon sa buong lalawigan, mula sa kanilang tanggapan sa Laguna Provincial Capitol at Calamba.

Nagpahayag din ng buong suporta si DILG Provincial Director Jay Beltran sa layunin ng network. “We totally believe that information is power,” aniya. Dagdag pa niya, “Whoever controls the narrative, controls the story, the messaging.” Para sa kanya, mahalaga ang consistent at unified na dissemination ng impormasyon. “One messaging is crucial, share the same information mas mabilis.” Pinuri rin niya si Gobernadora Sol sa kanyang inisyatiba na magbigay ng mga pagsasanay at workshop upang palakasin ang kakayahan ng mga lokal na tagapaghatid ng impormasyon.

Muling nahalal bilang Pangulo si Aristotle Mane mula sa LGU Cabuyao.

Iba pang mga nahalal na opisyal:

VP Internal Affairs: Jhe-Rico Sam Colina
VP External Affairs: Angela Silvania (NIA-Pila)
Secretary: John Marvin Canaria (Los Baños)
Assistant Secretary: Jo Anna Fabion (Majayjay)
Treasurer: Jerico (Liliw)
Auditor: Philip Bautista (Calamba)

P.R.O
1st District – Jhe-Rico Sam Colina (San Pedro)
2nd District – Mikaela Banda (Bay)
3rd District – Eddison Astronomo (Nagcarlan)
4th District – Mila Robina Geronimo (Sta. Maria)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course