Rescue Vehicles para sa mga Barangay sa Ikatlong Distrito ng Laguna ipinamahagi ni Congressman Loreto “Amben” S. Amante

Rescue Vehicles para sa mga Barangay sa Ikatlong Distrito ng Laguna ipinamahagi ni Congressman Loreto “Amben” S. Amante

Nasa larawan si Congressman Amben Amante kasama ang kanyang may bahay Kapitana Madette J. Amante at Msgr. Jerry Bitoon at ilang opisyales ng barangay.

San Pablo City-Noong nakaraang Hunyo 10, 2025 ay binigyang katuparan ni Congressman Loreto “Amben” S. Amante ang kanyang pangako ng patuloy na pagkalinga sa bawat mamamayan ng ikatlong distrito ng Laguna sa pamamagitan ng pamamahagi ng 20 rescue vehicles para sa mga barangay.

Ang mga brand new rescue vehicles na ipinamahagi ng tanggapan ni Congressman Amante ay inilaan upang mabigyan ng pag-alalay ang bawat barangay sa pangangailangan na agad na makaresponde at makatugon sa mga pangangailangang medikal at emergency responses ng mga mamamayan.

Kasama ni Congressman Amante ang kanyang may bahay na si Kapitana Madette Amante at ang kanyang mga kawani sa nasabing pamamahagi. Pinangunahan din ni Msgr. Jerry Bitoon ang blessing ng mga bagong rescue vehicles. 

Patunay ang serbisyong ito ng isang hindi matatawarang agarang aksyon at pagiging aktibo ni Congressman Amben Amante sa lahat ng mga pangangailangan ng kanyang nasasakupan mula sa ikatlong distrito ng Laguna. (CIO-SPC)


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course