ISUMBONG MO KAY GOB HELP DESK, LAYUNIN GABAYAN ANG MGA PASYENTE SA OSPITAL
ISUMBONG MO KAY GOB HELP DESK, LAYUNIN GABAYAN ANG MGA PASYENTE SA OSPITAL
Sta. Cruz, Laguna- Pinangunahan ni Laguna Governor Sol Aragones ang paglulunsad ng 90 Isumbong mo kay Gob Help Desk sa mga pampublikong ospital na nasasakop ng pangangasiwa ng Panlalawigang Pamahalaan.
Katuwang ni Gob. Sol Aragones sa nasabing programa sina Laguna Health Consultant Usec. Dr. Eric Tayag, OIC Laguna Provincial Health Officer Dr. Odilon Inoncillo at mga opisyal ng mga panlalawigang Ospital.
Binigyan linaw ni Gob. Sol Aragones, na ang Isubong mo kay Gob Help Desk ay naglalayong matulungan o mabigyan ng gabay ang mga bagong pasyente sa mga proseso na kailangang nilang gawin. Ang help desk ay magsisilbing ring sumbungan kung may umaabusong o nagsusungit na health worker, gayun din naman kung my mga pasyenteng hindi maayos ang pakikitungo sa mga health worker.
" Ang Isumbong mo kay Gob Help Desk
ay naglalayon , hindi para manakot kundi para ipaalam sa ating mga kababayan, mga pasyente at maging sa mga health practitioners na may katuwang na sila para maging maayos ang paglilingkod natin sa ospital. Ang Isumbong mo kay Gob, ay hindi lamang sa mga negatibo bagay na dapat aksyonan sa ospital ang puwedeng isangguni kundi ito ay magisisilbing gabay na rin sa mga pasyente kung saan ba sila pupunta, sino kakausapin, anu ang tulong na kailangan ".dagdag pa ni Aragones.
Sa Lunes (September 8, 2025) magsisimula na ang unang araw ng pagkakaroon ng Isumbong mo kay Gob Help Desk. Ang mga naturang itatalaga sa mga help desk ay dumaan sa masusing pagsasanay upang maibigay ang serbisyong may puso.
Ang mga Hep Desk ay inaasahan na 25/7 na aalalay at bibigay ng serbisyo.(Mhadz Marasigan)
#GobyernongMaySolusyon #GobSolAragones
#SolAragones #isumbongmokaygob #helpdesk #everyonefollowers
Comments
Post a Comment