AKAP sa Ikatlong Distrito
AKAP sa Ikatlong Distrito
San Pablo City- Kamakailan lamang ay dumaan sa ating bansa ang ilang bagyo na nagdulot ng matinding ulan at baha sa ilang parte ng bansa kabilang na ang Laguna.
Sa pagnanais ni Congressman Amben Amben na makipag bigay ng tulong sa mga kadistrito ay patuloy ang kanyang ginagawang pakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Pangulong Bong Bong Marcos at ibat-iba mga ahensya sa pamahalaan.
Bunga ng ginagawang pagsisikap ni Cong. Amben Amante 607 na benipisyaryo mula sa Ikatlong Distrito ang tatangap ngayon araw (October 3, 2025) ng kanilang ayuda sa ilalim ng AKAP Program na magagamit nila para sa kanilang mga pangangailangan sa medical, burial at pagdagdag na rin gastos sa pagkaantala ng mga trabaho dahil sa nagdaang bagyo.
Naging katuwang ni Cong. Amben Amante ang DSWD Laguna sa pamamahagi ng Hybrid Payment sa ilalim ng AKAP Program.
Binigyang diin ni Cong. Amben Amante, na patuloy siyang nagsusumikap upang maihatid sa mga kababayan ang mga serbisyo at programang pangkaunlaran para sa bawat mamayan sa Ikatlong Distrito ng Laguna.
#CongAmbenAmante #AKAP
Comments
Post a Comment