Likhang Laguna Grand Assembly at Meralco Forum, Nagbigay-Lakas sa mga Negosyong Lagunense para sa Mas Maliwanag na Kinabukasan
Likhang Laguna Grand Assembly at Meralco Forum, Nagbigay-Lakas sa mga Negosyong Lagunense para sa Mas Maliwanag na Kinabukasan
Idinaos ang Likhang Laguna Grand Assembly at Meralco Power Up Now Forum sa ilalim ng temang “Powering Laguna Enterprises, Driving Laguna’s Future,” na nagtipon ng mga negosyante, pinuno ng negosyo, at mga lokal na opisyal upang magkaisa sa pagpapalakas ng lumalago at mas episyenteng ekonomiya ng Laguna sa pamamagitan ng matalinong paggamit ng enerhiya.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga lumahok sa forum at ibinahagi kung paano ito nakatulong upang mas maunawaan nila ang paggamit ng kuryente at ang epekto nito sa kanilang mga negosyo.
“Naunawaan ko kung saan napupunta yung binabayaran namin, may 20% pala na nadidistrubute. Malaking tulong sa amin yun dahil nagkakaroon kami ng awareness kung saan napupunta yung binabayad namin,” ayon kay Jigs Maravilla, may-ari ng BJ Tayo Buko Shake.
Nagbahagi rin ng mahahalagang kaalaman si Patrick Pelayo, Economic and Investment Consultant, para sa mga maliliit at katamtamang laki ng negosyo (SMEs) kung paano matalinong mamuhunan sa kuryente at gamitin ito nang mas mahusay. Binanggit niya na ang pagiging episyente sa paggamit ng enerhiya ay susi hindi lamang sa pagtitipid kundi pati sa pagpapahusay ng kabuuang operasyon ng negosyo.
Isa pang kalahok, si Lilibeth Aquino, kinatawan mula sa Likhang Laguna Concept Store, ay nagsabi na makatutulong sa kanya ang mga tinalakay sa forum kahit sa maliliit na negosyo. “Ako, negosyante rin kahit empleyado ako, makakatulong siya sa business ko kung paano mapapababa yung pagkonsumo ng aming kuryente,” aniya.
Sa Meralco Open Forum, tinalakay ng mga eksperto ang mahahalagang paksa tulad ng energy management, electrical safety, pag-unawa at pamamahala ng bayarin sa kuryente, at mga paraan ng pagbabayad, pati na rin ang pagpapakilala sa MPioneer Insurance Services isang programang naglalayong mapangalagaan ang mga negosyo at matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon sa oras ng hindi inaasahang pangyayari.
Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng taos-pusong mensahe si Fatima Eleonor Villaseñor, LEDIPO Designate, bilang pagkilala sa dedikasyon ng mga kalahok sa paggamit ng enerhiya nang may pananagutan at sa patuloy na pag-unlad ng kanilang mga negosyo. Binigyang-diin niya na ang pagbibigay kaalaman at inobasyon ay mahalagang sandigan upang higit pang umunlad ang mga negosyong Lagunense tungo sa mas episyenteng kinabukasan.
Ang pagtitipon ay nagsilbing patunay ng pagkakaisa ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga negosyanteng Lagunense isang sama-samang hakbang upang isulong ang progreso, paigtingin ang inobasyon, at itaguyod ang mas maliwanag na kinabukasan para sa buong Laguna.
#entrepreneur
#energysavingtips
#meralco
#LEDIPO
#GobyernongMaySolusyon
#highlights
#followersreelsfypシ゚viralシfypシ゚viralシal
Comments
Post a Comment