MPT South, ipinagtibay ang Sustainability Commitment sa International Coastal Cleanup Day 2025
MPT South, ipinagtibay ang Sustainability Commitment sa International Coastal Cleanup Day 2025
Ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), ay muling pinagtibay ang commitment nito sa environmental sustainability sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa International Coastal Cleanup Day 2025. Ang pandaigdigang kilusang ito, na ginaganap taun-taon upang protektahan at mapangalagaan ang ating mga karagatan at baybayin, ay nilakuhan ng iba’t-ibang mga organisasyon at daan-daang boluntaryong nagsama sama upang labanan ang marine pollution.
Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng City Environment and Natural Resources ng Bacoor, Cavite, at Santa Rosa, Laguna, ang mga boluntaryong empleyado ng MPT South ay nagsama-sama upang itaguyod ang sustainability and environmental stewardship sa pamamagitan ng aktibong paglilinis sa mga baybayin ng Brgy. Caingin sa Santa Rosa, at Brgy. Maliksi 1 sa Bacoor. Bukod sa pagsisikap na ginawa sa nasabing mga coastal barangay, nag-donate din ang MPT South ng mga kagamitang panglinis tulad ng safety boots, sako, walis, guwantes, at mga garbage pickers para sa paglilinis ng Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP). Ang LPPWP ay isang critical protected area na pinamamahalaan ng DENR upang mapanatili ang mayamang biodiversity at ecological value nito. Ang LPPWP ay isang Ramsar site na matatagpuan sa Look ng Maynila.
Tumulong ang mga boluntaryong empleyado ng MPT South sa pagkolekta ng 65 kg residual waste at 48 kg ng iba pang mga debris sa baybayin ng Santa Rosa, na nakalikom naman ng total na 12,039 kilo ng basura mula sa nasabing baybayin; sa kabilang banda, may kabuuang 43.5 kg ng wood debris at 60.5 kg ng plastic at foam materials ang nakolekta ng mga boluntaryo ng MPT South sa baybayin ng Bacoor, na nagresulta sa kabuuang 7,275 kilo ng basura na nakolekta mula sa coastal area. Ang mga pagsisikap na tulad nito ay patuloy na nagbibigay daan sa pagpapataas ng kamalayan tungkol sa marine conservation, wastong segregation ng mga basura, at pagpapakilala ng sustainable practices sa mga boluntaryo nito.
“Protecting our coastlines is vital for the health of our community and future generations, and our duty doesn’t end after the International Coastal Cleanup Day,” saad ni Arlette V. Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPT South. “Through MPT South’s consistent programs like clean-up drives, various tree planting activities, and its active participation in the annual International Coastal Cleanup, we aim to reduce marine litter, foster environmental awareness, and reinforce our commitment to sustainable development in the communities we serve.”
Noong Agosto 2025, ang MPT South ay ginawaran ng dalawang Green Awards mula sa Santa Rosa City Government. Isang Plaque of Appreciation bilang Sustainable Development Partner, at isang Earth Hour
Advocate Award, na nagmamarka ng ikatlong magkakasunod na taon ng pagkilala sa iginagalang na programa ng lungsod.
Ang mga pagsisikap ng MPT South ay naaayon sa mas malawak nitong sustainability goals, na kinabibilangan ng pangangalaga sa ating natural na mga daluyan ng tubig, pagbabawas ng masamang epekto sa kapaligiran, pagtataguyod ng eco-friendly na imprastraktura, at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad upang mahikayat ang pagiging responsable sa ating kapaligiran, at upang mapanatili ang kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.
Tungkol sa Metro Pacific Tollways Corporation
Ang MPTC ay ang nangungunang toll road developer at operator sa Pilipinas at holding company ng mga pangunahing tollways, kabilang ang NLEX, SCTEX, CAVITEX, CALAX, NLEX Connector, at CCLEX sa Cebu.
Comments
Post a Comment