1,050 Pamilya, Magkakabahay na sa St. Bart Southville Heights
1,050 Pamilya, Magkakabahay na sa St. Bart Southville Heights
(Pebrero 10, 2026) — Ayon sa isinagawang 1st Quarter Meeting ng San Pablo City Inter-Agency Committee on Local Housing na binubuo ng City Urban Development and Housing Office, Konsehal Francis Calatraba, DepEd San Pablo, mga Barangay Officials, Department of Human Settlements and Urban Development, Department of Transportation, Presidential Commission for the Urban Poor, National Housing Authority, at Philippine National Railways, may 1,050 pamilya ang maaaring ma-relocate mula Marso hanggang Nobyembre 2026 patungong St. Bart Southville Heights, Brgy. San Bartolome.
Sa knasalukuyan ay mayroon nang 49 pamilya ang nakatira sa nasabing housing project.
Sa ulat na isinumite ni CUDHO Supervising Administrative Officer Franeliza B. Caston kay Mayor Najie B. Gapangada, ang mga benepisyaryo ay nabigyan ng cash-for-work assistance sa ilalim ng TUPAD Program ng DOLE. Sumailalim rin sila sa mga livelihood program tulad ng Bread Making, Coffee Espresso Making, at Tocino and Longganisa Making.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang iba’t-ibang concerns tulad ng paggiba ng mga bahay sa Brgy. Soledad at paglipat ng mga gamit ng mga pamilyang dadalhin sa St. Bart. Ayon sa National Housing Authority, mayroon nang nakalaang pondo dito at tutulong naman ang Philippine National Railways sa paglilipat. Magsasagawa naman ng pagpupulong sa pagitan ni Konsehal Calatraba at ng water provider tungkol sa problema sa tubig. Naglaan ang Department of Transportation ng pondo para sa mga ipapatayong school building. Napag-usapan rin ang concern ng mga opisyal ng Home Owners Association ukol sa garbage collection.
Ayon sa City Solid Waste Management Office, nai-coordinate na nila sa opisyal ng Brgy. San Bartolome ang suliranin sa basura. (Nanz Martinez, CIO-San Pablo)
Comments
Post a Comment