108 Aplikante, Hired On The Spot sa Local Recruitment Activities ng PESO San Pablo
108 Aplikante, Hired On The Spot sa Local Recruitment Activities ng PESO San Pablo
SAN PABLO CITY — Umabot sa 108 aplikante ang hired on- the-spot mula sa kabuuang 269 na aplikanteng naghahanap ng trabaho na lumahok sa 19 na Local Recruitment Activities (LRA) na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Pamahalaang Lungsod ng San Pablo sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang pribadong kumpanya mula Hulyo hanggang Disyembre 2025.
Ang serye ng LRA ay bahagi ng patuloy na programa ni Mayor Najie B. Gapangada upang mailapit ang oportunidad sa trabaho sa mga mamamayan at mabawasan ang unemployment sa lungsod.
Ayon kay G. Pedrito Bigueras hepe ng PESO San Pablo, patuloy nilang isinusulong ang adbokasiya ni Mayor Najie na Trabaho, Edukasyon, at Kalusugan sa pamamagitan ng regular na pag-aanunsyo ng mga job hiring, job fair, at LRA sa kanilang opisyal na Facebook page.
Sa nakalipas na anim na buwan, nakalikom ang PESO San Pablo ng kabuuang 4,546 job vacancies mula sa mga pribadong lokal na kompanya sa San Pablo City at mga karatig-bayan. Ipinapakita nito ang matibay na ugnayan ng pamahalaang lokal at ng pribadong sektor sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga San Pableño.
Patuloy ang lokal na pamahalaan ng San Pablo sa paglulunsad ng mga programang magbibigay ng disenteng hanapbuhay na makakatulong sa kaunlaran ng mga San Pableño. (Aera Diaz,CIO) Photo Credits: PESO San Pablo

Comments
Post a Comment