Barangays Sa San Pablo City, Kailangang Magbuo ng PWD Registry
Barangays Sa San Pablo City, Kailangang Magbuo ng PWD Registry
San Pablo City-Batay sa Ordinance No. 336 S. 2025 ni iminungkahi ni Konsehal Maning Amante, inaatasan ang lahat ng barangay sa Lungsod ng San Pablo na magkaroon ng Registry of Persons with Disabilities (PWDs) upang mas mapahusay ang paghahatid ng mga programa at serbisyong panlipunan para sa sektor ng mga may kapansanan.
Ang nasabing ordinansa ay sumusuporta sa pangako ni Mayor Najie B. Gapangada na mabigyan ng prayoridad ang mga serbisyo para sa mga PWDs.
Batay sa ordinansa, kailangang magkaroon ng sistematiko at komprehensibong talaan ng mga PWD sa bawat barangay upang mas madaling matukoy ang kanilang pangangailangan at mabigyan ng angkop na tulong at benepisyo.
Tinitiyak din sa ordinansa ang data privacy at confidentiality ng lahat ng impormasyong makakalap. Kasama rin ang paglalaan ng pondo ng mga barangay para sa implementasyon ng programa, kabilang ang pagpaparehistro at capacity-building activities.
Magiging katuwang ng Sangguniang Barangay ang Persons with Disabilities Office (PDAO) sa ilalim ng City Social Welfare and Development para sa pagbubuo ng kaukulang implementing rules and regulations, upang ganap na maisakatuparan ang PWDs Registry sa buong Lungsod ng San Pablo. (Nanz Belarmino, CIO-San Pablo)

Comments
Post a Comment