Dagdag Centers para Individuals With Special Needs, Isinusulong ni Idol Cong. Amben
Dagdag Centers para Individuals With Special Needs, Isinusulong ni Idol Cong. Amben
Ramdam ni Cong. Amben ang hirap at sakripisyo ng mga magulang ng batang may espesyal na pangangailangan. Maraming pamilya ang nahihirapan sa paghahanap ng tamang edukasyon at therapy, sa limitadong access sa medical services, at sa kakulangan ng suporta sa komunidad para sa araw-araw na pangangalaga.
Dahil rito, naghain siya ng panukalang batas na “An Act to Establish Centers for Individuals with Special Needs”, na naglalayong magbigay ng komprehensibong suporta, edukasyon, at serbisyong pangkomunidad para sa bawat bata at pamilya.
Sa bawat hakbang ng batas na ito, ramdam ang malasakit at dedikasyon ni Cong. Amben na hindi iwanan ang sinumang nangangailangan.(Cong. Amben Amante Fb Page)

Comments
Post a Comment