Hiling ni VM Colago sa mga Kabataan, Magpatuloy na Mangarap

 Hiling ni VM Colago sa mga Kabataan, Magpatuloy na Mangarap


San Pablo City-Sa inisyatibo ni Vice Mayor Justin Colago,  kasama ang AMA Computer Learning Center, Canossa College, Laguna College, Laguna State Polytechnic University, Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo, San Pablo Colleges, CARD MRI, at STI ay nagkaisa sila upang maisakatuparan ang programang JUST-IN: GABAYAN KO, CAREER MO.
Tatlong araw na umikot si VM Justin Colago sa mga paaralan sa lungsod noong nakaraang Enero 19 hanggang 21, 2026 at kanyang nakapanayam ang mga magaaral mula sa Garde 10 at 12.
Sa mensahe ni VM Colago sa mg kabataan, “Hindi kayo basta magtatapos na lang, magsisimula palang kayo sa tunay na buhay” wika ni Colago; “bilang kuya ninyo, hanggad ko at dalangin na magpatuloy kayong mangarap para sa ating bayan, pamilya at lalong higit sa inyong sarili”.  
Kahit iba’t ibang paaralan ang kasama ni Colago ay hindi nanaig ang kompetisyo bagkos naging masaya at nagkaisa para sa pangarap ng mga kabataan San Pableño.
Isang makasaysayang pagkakaisa ng Institusyong pang Edukasyon at Pamahalaan upang bigyang pansin at halaga ang kinabukasan ng ating mga susunod na henerasyon. (Marcuz Barrios)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course