LIWANAG SA DILIM: Tungkulin at Pananagutan ng mga Barangay Kagawad

 LIWANAG SA DILIM ni Noevic Liwanag

Tungkulin at Pananagutan ng mga Barangay Kagawad

SAN PABLO CITY — Sa gitna ng lumalakas na panawagan para sa mas tapat at mahusay na serbisyo publiko sa antas ng komunidad, muling natin balikan ang batas at lokal na pamahalaan ang mga kritikal na obligasyon ng mga halal na Barangay Kagawad sa ilalim ng Local Government Code of 1991.

Bilang mga miyembro ng Sangguniang Barangay, ang mga kagawad ay hindi lamang nagsisilbing katuwang ng Punong Barangay, kundi sila ang pangunahing mambabatas sa kanilang mga nasasakupan.

Ang Lehislatibong Kapangyarihan

Pangunahing tungkulin ng isang kagawad ang makibahagi sa pagbalangkas ng mga ordinansa at resolusyon na makabubuti sa kapakanan ng mga mamamayan. Kabilang dito ang:

Pagsusuri ng Badyet: Pagpasa ng taunang badyet ng barangay upang matiyak na ang pondo ay napupunta sa mga tamang proyekto.

Paglikha ng mga Batas-Lokal: Pagpapatupad ng mga panuntunan sa kalinisan, katahimikan, at kaayusan sa bawat purok.

Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan

Bukod sa paggawa ng batas, ang mga kagawad ay inaasahang maging aktibo sa Lupong Tagapamayapa. Obligasyon nilang tumulong sa pag-aayos ng mga alitan sa pagitan ng mga magkakapitbahay upang maiwasan ang pagpuno ng mga kaso sa mga korte.

Pamamahala ng mga Komite

Ang bawat kagawad ay itinalaga bilang tagapangulo (chairman) ng iba’t ibang komite base sa kanilang expertise o itinakda ng konseho. Ang ilan sa mga mahahalagang komiteng ito ay:

Edukasyon at Kultura

Kalusugan at Serbisyo Sosyal

Agriculture at Livelihood

Peace and Order

Infrastructure at Environmental Protection

Pananagutan sa Publiko

Ayon sa batas, ang isang kagawad ay dapat laging handang rumesponde sa mga emergency at kalamidad. Sila rin ay inutusang magsagawa ng regular na konsultasyon sa kanilang mga nasasakupan upang mapakinggan ang mga hinaing ng publiko.

Sa huli, ang pagiging kagawad ay hindi lamang isang titulong pandangal, kundi isang mabigat na responsibilidad na nangangailangan ng dedikasyon at integridad upang tunay na makapaglingkod sa sambayanang Pilipino.


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course