Ordinansa para sa 7 Lawa ng San Pablo, Ipinasa ng Sangguniang Panglunsod

 Ordinansa para sa 7 Lawa ng San Pablo, Ipinasa ng Sangguniang Panglunsod


San Pablo City-Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng San Pablo ang isang ordinansa na nagtatatag sa paggamit ng Decision Support System (DSS) at Knowledge Sharing Platform (KSP) para sa pamamahala ng Seven Lakes (DSS-KSP 7Lakes) ng lungsod kasama ang suporta ng LGU ng San Pablo.
Ang Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) ang magbibigay ng kaalaman at mga dapat gawin ng LGU ng San Pablo upang mas mapabuti ang ekolohiya at maging alinsunod sa RA No.7160 (Local Government Code of 1991) na ang lokal na pamahalaan ay inaatasan na makibahagi sa responsibilidad at pangangalaga ng mga likas na yaman sa isang lungsod o bayan.
Ang may akda ng Ordinansa Blg. 351 S, 2025 ay si Konsehala Carmela A. Acebedo at ang co-author at si Konsehal Martin Angelo B. Adriano, Jr. Ang lokal na batas ay kinikilala bilang “An Ordinance Institutionalizing the Adoption and Utilization of the Decision Support System and the Knowledge Sharing Platform for the Governance of the Seven Lakes of San Pablo City.”
Ang ordinansang ito ay naglalayong:
• Gawing institusyonal ang paggamit ng mga kagamitang pansuporta sa desisyon para sa pamamahala ng mga lawa.
• Itaguyod ang paggawa ng desisyon batay sa datos sa pagpapatupad ng patakaran at programa.
• Tiyakin ang transparency sa pamamagitan ng napapanahon at madaling makuhang pagbabahagi ng impormasyon.
• Hikayatin ang pakikilahok ng mga mamamayan lalo na ang sektor ng kabataan sa pamamagitcan ng pagbibigay ng mga plataporma para sa pag-access ng datos at feedback.
• Itaguyod ang pakikipagtulungan sa mga institusyong akademiko bilang suporta sa mga inisyatibo sa pananaliksik, pagpapalawak, at pagpapaunlad ng kapasidad. 
Layunin ng ordinansang ito na pangalagaan at protektahan ang bawat likas na yaman, kasama ang pitong lawa ng San Pablo. Isa Ito sa mga patuloy na inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor. Najie B. Gapangada, Jr. (Wilbert Ociana, CIO)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course