Produksiyon ng Corn Silage sa San Pablo, mas Paiigtingin

 Produksiyon ng Corn Silage sa San Pablo, mas Paiigtingin


SanPablo City-Mas paiigtingin pa ng Pamahalaang Lungsod ng San Pablo ang produksiyon ng corn silage sa pamamagitan ng itinatag na Corn Silage Demo Farm sa Brgy. San Gregorio na may lawak na isang ektarya. Ang proyekto ay pinangungunahan ng City Agriculturist Office sa pangangasiwa ni City Agriculture Consultant Pepito Bonilla.
Ayon kay G. Anacel A. Gutierrez, Agricultural Technologist ng City Agriculturist Office, layunin ng programa na hikayatin ang mga magmamais na maglaan ng bahagi ng kanilang lupain para sa silage production upang matiyak ang tuloy-tuloy at sapat na suplay ng pakain sa mga alagang hayop. Tinatayang humigit-kumulang 200 miyembro ng San Pablo City Corn Farmers Association ang direktang makikinabang sa proyekto.
Sa ilalim ng inisyatibo ni Mayor Najie B. Gapangada, target ng lungsod ang pagtatanim sa 50 ektarya ng mais para sa silage production bilang bahagi ng pagpapalakas ng lokal na sektor ng agrikultura at livestock.
Kaugnay nito, nanawagan si G. Gutierrez sa mga magmamais sa lungsod na lumahok sa gaganaping Corn Silage Seminar sa Pebrero 9 at 10 sa San Pablo Convention Center. Hinikayat rin niya ang lahat ng mga magsasaka na makiisa at suportahan ang naturang programa. (Aera Diaz, CIO) Photo credits: City Agriculturist Office

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course