Regional Level Most Wanted Person Arestado ng San Pablo Pulis

 Regional Level Most Wanted Person Arestado ng San Pablo Pulis

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang tinaguriang most wanted person sa antas ng Rehiyon sa isinagawang manhunt operation ng San Pablo Component City Police Station noong nakaraang Martes Pebrero 3, 2026.

Kinilala ni Acting Provincial Director PCOL JONAR R YUPIO ng Laguna PPO ang akusado na si alyas Melo, residente ng San Pablo City, Laguna.

Ayon sa ulat ng San Pablo CCPS, sa pamumuno ni PLTCOL REDENTOR G TIRAÑA, Hepe ng nasabing istasyon, nagsagawa ng operasyon ang kanilang mga operatiba matapos matukoy ang kinaroroonan ng akusado. Nagresulta ito sa matagumpay na pagkaka- aresto sa nasabing akusado bandang alas-3:21 ng hapon nitong Pebrero 3, 2026, sa San Pablo City, Laguna.

Isinagawa ang pag-aresto kay alyas “Melo” sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court,San Pablo City, Laguna noong February 2, 2026. Batay sa nasabing warrant, nahaharap ang akusado sa paglabag ng kasong Rape na walang inirerekomendang piyansa.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CCPS ang naarestong akusado habang ang korte na pinagmulan ng warrant of arrest ay inabisuhan hinggil sa pagkakaaresto nito.

"Ang pagkakaaresto ng akusadong ito ay bunga ng pinalakas na kampanya ng kapulisan laban sa mga Wanted Persons. Pinapasalamatan din natin ang komunidad sa kanilang kooperasyon sa kapulisan upang mapanagot ang mga indibidwal na nagtatago sa batas” Pahayag ni PD YUPIO.(LPPO)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course