Suporta ng Cayetano Siblings sa Mga Programang Pangkalusugan ng Laguna; Senator Alan Nagtalaga ng Pondo para sa Bagong Ospital sa Ilang Bayan

 Suporta ng Cayetano Siblings sa Mga Programang Pangkalusugan ng Laguna; Senator Alan Nagtalaga ng Pondo para sa Bagong Ospital sa Ilang Bayan

Laguna-Ang sistema ng kalusugan sa Laguna ay nakatakdang mas mapabuti, sa tulong nina Senator Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano. Sa makasaysayang unang Laguna Pastors and Workers Summit, inihayag ni Gobernador Sol Aragones na naglaan si Senator Alan Peter Cayetano ng malaking halaga para sa pagtatayo ng bagong ospital, at ang mga bayan na makatatanggap nito ay iaanunsyo sa tamang panahon.

“Ang malaking bahagi na tinutulong natin sa programang pangkalusugan sa Laguna ay galing sa magkapatid. Kay Senator Alan at Pia Cayetano,” wika ni Gobernador Aragones noong Enero 30, 2026, sa Laguna Sports Complex, kung saan ginanap ang Pastors and Workers Summit.

Binigyang diin ni Gobernador Aragones ang pag-unawa ni Senator Alan sa kanyang plano na palakasin ang kalusugan sa buong Laguna, upang mas maraming tao ang makatanggap ng agarang tulong medikal.

“Sa katunayan, ngayong taon po na ito ay naglaan siya ng malaking halaga para sa pagtatayo ng dagdag na ospital. Surpresa muna po ang mga bayan na makatatanggap,” ani Aragones.

Naghatid ng tuwa at kasabikan ang anunsyo sa mga pastors at church workers na dumalo sa summit, dahil malinaw na ang mga bagong ospital ay magbibigay ng agarang tulong sa mga komunidad sa Laguna, at makaliligtas ng maraming buhay.

Bukod sa ospital, patuloy rin ang suporta ng magkapatid na Cayetano sa iba't ibang programang pangkalusugan ng lalawigan, na nakatutok sa pangangailangan ng mga residente.

Binigyang diin ni Gobernador Aragones na ang pagtutulungan ng Cayetano siblings at pamahalaang panlalawigan ay halimbawa ng pagsasama ng pambansa at lokal na lider sa pagtugon sa pangangailangan ng tao, na nagiging konkretong aksyon para sa kabutihan ng Laguna.(PIO-Laguna)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course