Unang araw ng early registration, maayos na naisagawa

 Unang araw ng early registration, maayos na naisagawa


Ganap na pinahahalagahan ni School Principal Primativa D. Ocampo ang mga  magulang ng mga batang nakatakdang mag-aaral bilang Grade 7 student ngayong School Year 2026 – 2027 sa kanilang masiglang pagtugong ipatala na kaagad  ang kanilang mga anak dito sa Dayap National High School-Mabacan Annex  (DNHS-MA) noong nakaraang Sabado sa ilalim ng Early Registration Program na isinusulong ng Department 0f Education. Ang Early Registration for Incoming Grade 7 Learners  ay isinasagawa tuwing araw ng Sabado simula noong nakaraang Enero 31, at matatapos sa Pebrero 27. Pinahahalagahan din ng punong guro ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Mabacan sa pangunguna ni Punong Barangay Jaycee N. Manalo, gayon na rin ang pamunuan ng mga kanugnog na Barangay ng Masiit, Balayhangin, at Paliparan, sa kanilang pakikipagtulungang mapaalalahanan ang mga magulang na may anak na kuwalipikadong magpatala bilang Kindergartin pupil, bilang Grade One pupil, at Grade 7 student na samantalahin ang kaluwagang ipinagkakaloob sa ilalim ng Early Registration for School Year 2026 - 2027. Kumikilos sa pagsubaybay ni Public Schools District Supervisor Luis M. Germina, ang mga bumubuo ng Early Registration Committee ay sina School Principal Primitiva D. Ocampo as chairman, at mga gurong sina Richard P. Nadera, Margarita Dyan B. Buenasalida, Jasmin Claire M. Gatchalian, Jackieleen D. Cabago, at Shirley D. Bayado, mga miyembro    (Ruben E. Taningco)    .

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course